Umakyat na sa 451 ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya ng Batanes nitong Martes, ayon sa lokal na pamahalaan.

Batay sa ulat, 41 ang pinakahuling nadagdag sa bilang ng mga kaso.

Kaya naman umakyat na sa 483 ang lahat ng COVID cases na naitala sa probinsya, kung saan karamihan sa mga ito ay naitala ngayong buwan.

Pumalo naman sa dalawa ang mga nasawi sa probinsya dahil sa virus. Ang huling biktima ay isang 88-anyos na residente ng Basco.

Samantala, ang unang nasawi sa COVID mula sa Batanes ay isang 70-anyos na lalaki, na naitala lamang tatlong araw ang nakakaraan. (MJD)

The post Batanes may 451 active COVID cases first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/batanes-may-451-active-covid-cases/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=batanes-may-451-active-covid-cases)