Muling nanawagan si House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa Manila Electric Company (Meralco) na i-waive ang dagdag singil sa kuryente.

Ayon kay Zarate ang dagdag singil ay dagdag na pasanin ng maraming pamilya na hindi pa nakakabangon sa pandemya.

“What is worse though is that power players like Meralco still profit from these miseries. Our call is for Meralco to waive these power rate increases!” sabi ni Zarate.

Ang hindi pagtataas ng singil ay makababawas sa kita ng Meralco pero hindi sa pagkabangkarote nito.

Inanunsyo ng Meralco ang pagtaas ng P0.1055 kada kiloWatt hour sa singil ngayong buwan. Ito ay dagdag na P21 sa residential consumer na kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan.

“What Meralco conveniently does not say, when confronted with its expensive electricity pricing, is that it is also the owner, wholly or partially, of several power generation companies (GenCos), some of which even act as self-dealing and favored Meralco electricity suppliers,” dagdag pa ni Zarate.

Bilang may-ari umano ng mga GenCos kumikita rin ang Meralco sa pagtaas ng generation charge.

“So Meralco officials deceive consumers when they claim that the cost of generating the electricity provided to its customers is a mere ‘pass-on charge’ that does not benefit Meralco, purportedly because it goes directly to the GenCos. In truth, a substantial portion of these so-called ‘pass-on charges’ goes back to Meralco’s pockets via its GenCos,” punto pa ni Zarate.

Nananawagan si Zarate at ang iba pang miyembro ng Makabayan bloc na ipagbawal ang cross-ownership sa pagitan ng GenCos at distribution utility.

The post Bayan Muna muling nanawagan sa Meralco na i-waive dagdag singil first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bayan-muna-muling-nanawagan-sa-meralco-na-i-waive-dagdag-singil/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bayan-muna-muling-nanawagan-sa-meralco-na-i-waive-dagdag-singil)