Pansamantalang lalayo sa buhay vlogger si Benedict Cua.

Aniya, nararamdaman kasi niyang nawawala na ang sarili niya at nakararanas din umano siya ng existential crisis.

“I decided to stop working for a while,” he said. “I know it sounds so entitled but I feel like at this point in my life, [I’m experiencing] existential crisis where suddenly, [everything’s like] back to zero,” wika niya sa kanyang vlog na “Good bye, Philippines.”

“I always have that urge na parang kailangan kong i-please lahat ng mga tao, I always have to be my perfect self. A lot of times, parang wala na ‘kong time maging vulnerable,” pagpapatuloy niya.

Ani Ben, pakiramdam niya’y wala na rin siyang buhay bukod sa pagba-vlog.

“Parang ‘yung buhay ko, naging vlog na, naging filming [My life became a vlog, filming]. This job is really not for everyone. At this point, I don’t even think it’s for me,” sambit ni Ben.

“There’s no vacation anymore like whenever you’re outside, whenever you’re hanging out with your family, you always feel obligated to film everything ’cause when you don’t, you feel anxious.”

Dahil dito, nakapadesisyon siyang gawin munang prayoridad ang kanyang sarili.

“I’m scared to lose myself. I’m scared that this thing that I’m feeling now, [I’ll feel it] my whole life and I don’t wanna live a life like that,” wika niya.

“I just wanna be able to connect to the world again, in a way, find myself—what I really want in my life, if I’m really on the right path.”

Kaugnay nito, pinaalalahan ng vlogger ang publiko na hindi masama ang magpahinga lalo na kung para ito sa ikabubuti ng iyong sarili.

“It doesn’t mean that you’re irresponsible. You’re trying to regain yourself so you can be better,” ani Ben. (VA)

The post Benedict Cua babu muna sa YouTube, hahanapin ang sarili first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/benedict-cua-babu-muna-sa-youtube-hahanapin-ang-sarili/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=benedict-cua-babu-muna-sa-youtube-hahanapin-ang-sarili)