Masayang ibinalita ng Department of Education (DepEd) na kung dati ay umaabot sa 80 estudyante ang siksikan sa isang klase at tinuturuan ng isang guro, napababa ito sa 28 mag-aaral na lamang kada classroom sa panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Inihayag ito ni Education Secretary Leonor Briones kay Pangulong Duterte sa Talk to the People.

“We have classes with 70 or 80 kids and one teacher. This is not true anymore. In 2016, when you started, we brought down the number of students per classroom to 32 per class.

“And in 2020, we brought down the number to 28 learners per class instead of the usual dramatics about 60 to 70 or 80 kids per classroom,” lahad ni Briones.

Bahagi aniya ito ng layunin nila para sa de-kalidad na edukasyon partikular na sa mga pampublikong paaralan.

The post Bilang ng estudyante kada klase napababa ng Duterte admin first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bilang-ng-estudyante-kada-klase-napababa-ng-duterte-admin/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bilang-ng-estudyante-kada-klase-napababa-ng-duterte-admin)