Kulelat sa 53 bansa ang Pilipinas sa inilabas ng Bloomberg na Covid Resilience Ranking para sa buwan ng Setyembre.

Ang Covid Resilience Ranking ay buwanang pagtingin kung paano nareresolba sa mga bansa ang pagkalat ng Covid-19.

Pinagbatayan dito ang ilang indicators gaya ng pagpigil sa pagkalat ng virus, kalidad ng healthcare, sakop ng pagbabakuna, mortality rate at travel restrictions.

At para sa buwan ng Setyembre kung saan 53 bansa ang iniranggo, kulelat ang Pilipinas.

Nakakuha lamang ang bansa ng 40.2 na Bloomberg resilience score, kung saan 20.1% pa lamang ang nababakunahan, 75 ang grado sa lockdown severity, at -73.9% ang iskor sa flight capacity.

Bukod dito, kasama ng Pilipinas sa baba ng rankings ang mga kapitbahay na Indonesia (49th), Thailand (50th), Malaysia (51st) at Vietnam (52nd).

Tanging Singapore lamang ang mataas ang ranggo na pang-19, ngunit bumagsak ito ng 11 pwesto kumpara sa nakaraang ranking.

Nanguna naman sa Covid Resilience ang Ireland, sinundan ng Spain, Netherlands, Finland at Denmark.

Malaking epekto sa rankings ngayong buwan ang pagkalat ng Delta variant. (MJD)

The post Bloomberg: Pinas pinakapangit tirhan sa gitna ng Delta first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bloomberg-pinas-pinakapangit-tirhan-sa-gitna-ng-delta/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bloomberg-pinas-pinakapangit-tirhan-sa-gitna-ng-delta)