Inaresto ang boksingerong si Albert Pagara noong Miyerkoles dahil umano sa pangha-harass nito sa isang 14-anyos na bata sa Cebu.

Ayon sa ulat, nagsumbong ang bata at ang magulang nito sa mga barangay tanod ng Stio Terra Dulce sa Barangay Inayawan kaya’t agad nilang inaresto si Pagara.

Sa ngayon, siya ay naka-detain sa Pardo Police Station habang umaandar ang imbestigasyon.

Ang 27-anyos na si Pagara ay kasalukuyang nasa tugatog pa ng kanyang karera at may record na 33-1, 23 KOs. Hawak din niya ang WBO intercontinental super bantamweight belt.

Huli siyang lumaban noong Disyembre 2020.

The post Boksingero arestado matapos pumatol sa bagets first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/boksingero-arestado-matapos-pumatol-sa-bagets/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=boksingero-arestado-matapos-pumatol-sa-bagets)