Kinuwestyon ng isang party-list solon ang kasunduan ng Bureau of Quarantine at online payment company na PisoPay kaugnay ng pagbibigay ng vaccination card o yellow card para sa mga Pilipino na pumupunta sa ibang bansa.

Sinabi ni Puwersa ng Bayaning Atleta Rep. Jericho Nograles na maaaring lumabag ang kontrata sa Build Operate Transfer Law, na siyang nangangasiwa sa mga Public Private Partnership project (PPP).

Ang yellow card ay ginagamit na patunay na nabakunahan na laban sa COVID-19 ang isang indibidwal.

Sinabi ni Nograles na batay sa pahayag ng mga opisyal ng BOQ at PisoPay sa pagdinig ng House Committee on Overseas Workers Affairs ay minadali ang kasunduan.

“I’d like to state for the record that the BOQ and PisoPay were probably just trying to do their best under the circumstances. However, along the way, I see your intent is good but maraming mga hindi nag-conform sa mga dapat ma-conform. The most striking for me is the competitive selection process. It’s apparent to me that the competitive selection process as provided for by the law was not followed here,” sabi ni Nograles.

Inamin ni BOQ deputy director Roberto Salvador na hindi dumaan sa bidding process ang pagpili sa PisoPay. Aniya exempted ito sa Procurement Law (Republic Act 9184) dahil walang gagastusin dito ang gobyerno.

Hindi man saklaw ng Procurement law, sinabi ni Nograles na ito ay isang PPP contract kaya dapat na sumunod sa regulasyon ng BOT Law.

“If it’s not RA 9184, then it’s PPP. There is still a competitive selection process and you (BOQ) just told us that you did direct contracting without any competitive selection and subjecting without choice the people of the Republic of the Philippines, the poor people who want to work abroad, with a P70 (convenience) fee? That’s undue advantage,” sabi ni Nograles.

Lumalabas umano na nagpadala ng unsolicited proposal ang PisoPay at agad itong tinanggap ng BOQ. Ang masakit umano ay exclusibo itong ibinigay sa PisoPay.

“Mayroong masamang nangyari dito. Pwede talaga silang mablacklist with what they are doing, and when we say blacklist they can never contract for the government again at least for five years,” dagdag pa ng solon. (Billy Begas)

The post BOQ-Pisopay deal sa vaccine card kinuwestyon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/boq-pisopay-deal-sa-vaccine-card-kinuwestyon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=boq-pisopay-deal-sa-vaccine-card-kinuwestyon)