Nakikita ng Commission on Elections (Comelec) na malaki ang gagampanan ng pulso ng kabataan para sa 2022 elections.

Ayon kay Comelec director James Jimenez, nasa 52% ng mga rehistradong botante sa ngayon ang nasa edad 18-40, o ang tinatawag nilang ‘youth vote.’

“That’s how significant the youth vote is in the coming election,” pahayag ni Jimenez sa kanyang pulong kasama ang CNN Philippines at iba pang journalist.

Kung numero mula Hulyo ang pagbabatayan, nasa 60.46 milyon na ang mga rehistradong bumoto sa 2022, at ang nasa youth group ay 31.41 milyon.

Umaasa pa si Jimenez na tataas pa ang bilang ng mga rehistradong botante hanggang sa pagtatapos ng registration sa Setyembre 30.

“We are closer to 62 million, the numbers keep growing. We have massive registration going on right now,” aniya.

The post Boto ng kabataan sa 2022 eleksyon mabigat – Comelec first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/boto-ng-kabataan-sa-2022-eleksyon-mabigat-comelec/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=boto-ng-kabataan-sa-2022-eleksyon-mabigat-comelec)