Tumaas ang sahod ng mga guro sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa Department of Education.

Sa Talk to the People ng Pangulo, inihalimbawa ni Education Secretary Leonor Briones ang suweldo ng Teacher I na dating P19,077 ay naitaas sa P23,877.

“When you came in in 2016, a Teacher I who earns — who is at the lowest level of teaching, earned P19,077. At this time — basic salary ito, Mr. President — he or she is earning P23,877 under your administration, Mr. President,” update ni Briones sa Pangulo.

Matatapos aniya ang termino ng Pangulo na naipako sa P25,439 ang pinakamababang sahod ng mga guro.

Dagdag niya, mula sa P43,000 salary, P60,901 na ngayon ang tinatanggap na sahod ng titser na may pinakamataas na teacher grade o Master Teacher.

Maliban aniya sa mataas na sahod, may iba pang allowance na binibigay sa mga guro tulad ng personnel economic relief na P2,000 at clothing allowance na P6,000.

The post Briones proud: Suweldo ng titser tumaas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/briones-proud-suweldo-ng-titser-tumaas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=briones-proud-suweldo-ng-titser-tumaas)