Matapos ang higit isang taong pagkakakandado sa South Korea, muling nakalipad ang BTS upang pumunta sa New York, USA.

Nakatakda kasi silang dumalo sa 76th United Nations General Assembly.

NIto lamang Sabado nang mag-trending sa Twitter ang “have a safe flight” dahil sa mga tweet ng ARMY para kela Jin, Suga, J-Hope, Jimin, V, Jung Kook at RM.

Makikita rin sa Twitter ng K-pop band ang ilan nilang mga litrato.

Gaganapin ang ika-76 UNGA mula Setyembre 14 hanggang 21 sa NY.

The post BTS lumipad pa-New York para sa UN General Assembly first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bts-lumipad-pa-new-york-para-sa-un-general-assembly/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bts-lumipad-pa-new-york-para-sa-un-general-assembly)