Tila nadagdagan pa ang dahilan na mga ARMYs para maengganyo sa pagbabakuna kontra COVID-19.

Ibinuyag kasi nila Jin, Suga, J-Hope, RM, Jimin, V, at Jungkook ng BTS na fully vaccinated na sila laban sa nakamamatay na virus.

“The vaccination was a sort of ticket to meeting our fans waiting for us and being able to stand before you today,” ani J-Hoe sa kanilang talumpati sa United Nations General Assembly (UNGA) na pinamagatang “Sustainable Development Goals (SDG) Moment.”

“We, too, are doing the things that we’re able to do right now,” dagdag pa niya.

Kaugnay nito, nag-iwan ng hopeful message si V at sinabing malapit na rin nilang makita ang kanilang mga fan.

“The day we can meet again isn’t far away. Until then, I hope we can feel each of our days to the brim with positive energy,” aniya.

Kasalukuyang nasa New York ang South Korean boyband para sa naturang event.
(VA)

The post BTS resbakunado kontra COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bts-resbakunado-kontra-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bts-resbakunado-kontra-covid)