Hiniling ni House Committee on Ways and Means chairperson at Albay Rep. Joey Salceda ang pag-apruba sa panukalang Private Public Partnership (PPP) Law bilang tugon sa panawagan na ituloy ang Build Build Build program gamit ang pondo ng pribadong sektor.

Ayon kay Salceda mahalaga na maging transparent ang mga transaksyon sa pagitan ng gobyerno at pribadong sektor at tiyakin na kailangan ang proyektong gagawin.

Lilinawin din umano sa panukalang batas ang proseso ng pag-apruba ng budget at kung papaano mababawa ang puhunang ilalagak.

Sinabi ni Salceda na mahalaga na matiyak na naayon ang mga aaprubahang proyekto sa development objective ng gobyerno.

Bilang tugon sa agam-agam ni Finance Secretary Carlos Dominguez na lubhang lumobo ang pananagutan ng gobyerno, sinabi ni Salceda na nakasaad sa panukala ang paglalagay ng cap sa subsidy na ibibigay ng gobyerno sa bawat proyekto.

May probisyon din umano sa panukala kaugnay ng non-monetary payment para masiguro na hindi mas malaki ang halaga ng ibibigay ng gobyerno sa babayaran nitong utang. (Billy Begas)

The post Build, Build, Build ituloy gamit pondo ng pribadong sektor first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/build-build-build-ituloy-gamit-pondo-ng-pribadong-sektor/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=build-build-build-ituloy-gamit-pondo-ng-pribadong-sektor)