Sa pormal na pag-anunsyo ng kanyang kandidatura bilang pangulo sa 2022, nangako sa Manila Mayor Isko Moreno na itutuloy niya kung ano man ang magandang nagawa ng Duterte administration.

Pangunahin na rito ang ‘Build, Build, Build’ program ng administrasyon.

“I respect Rodrigo Roa Duterte being the president,” wika ni Moreno ngayong Miyerkoles.

“Lahat ng sinimulan ni President Duterte sa Build, Build, Build na kapaki-pakinabang, ipagpapatuloy natin ‘yun,” pangako ng alkalde sakaling palaring magwagi sa halalan.

Isa lamang umano ang hindi itutuloy ni Moreno mula sa pamahalaan ni Duterte.

“Hindi na magtatagal ang mga talipandas sa pamahalaan niya [Duterte]” saad pa ng alkalde. (MJD)

The post Build, build, build itutuloy ni Isko first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/build-build-build-itutuloy-ni-isko/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=build-build-build-itutuloy-ni-isko)