Sapol ng coronavirus disease ang isang alkalde sa Bulacan at buong pamilya niya.

Ayon sa ulat, ito na ang ikatlong pagkakataong kinapitan ng COVID si San Ildefonso, Bulacan Mayor Carla Galvez-Tan matapos tamaan noong Marso at June nitong taon.

Sa Facebook, ibinunyag ni Mayor Tan na nagpositibo rin ang asawa niyang si Jeffrey, dalawang anak nilang lalaki at mga magulang na sina Edgardo at Leonila Galvez.

Ani Tan, bakunado na siya laban sa COVID-19 noong Agosto.


Si Tan ang ikapitong mayor ng Bulacan na tinamaan ng COVID kasunod nina Ferdie Estrella (Baliwag), Vergel Meneses (Bulakan), Eladio Gonzales Jr. (Balagtas), Jose Santiago (Bocaue), Russel Pleyto (Sta. Maria) at Cipriano Violago (San Rafael).

The post Bulacan mayor, buong pamilya kinapitan ng COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bulacan-mayor-buong-pamilya-kinapitan-ng-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bulacan-mayor-buong-pamilya-kinapitan-ng-covid)