Inarkila ng isang babae sa India ang buong business class section ng isang eroplano – para sa alaga niyang aso.

Ayon sa ulat ng News Agency ANI, isang babae ang sumakay ng Air India flight mula Mumbai hanggang Chennai kasama ang kanyang alalay at alagang si ‘Bela’ – isang Maltese dog – noong Setyembre 15.

Mayroon umanong 12 upuan sa business class cabin ang eroplano at binili raw itong lahat ng ginang, nang ‘di alintana ang gastos.

“The average business class cost for Mumbai-Chennai is around Rs 20,000 and the said female passenger paid Rs 2.5 lakh for the travel,” saad sa ulat.

Hindi naman bawal sa Air India ang pagsama ng mga alaga sa byahe, bagamat hanggang dalawa lamang ang pinapayagan sa bawat paglipad. (MJD)

The post Business class cabin pinakyaw para sa aso first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/business-class-cabin-pinakyaw-para-sa-aso/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=business-class-cabin-pinakyaw-para-sa-aso)