Tinanggap ng Kamara de Representantes ang mga amyendang ginawa ng Senado sa panukalang pagbubuwis sa mga proprietary educational institutions.

Inaprubahan sa plenaryo ng Kamara ang pagtanggap sa mga amyenda sa House Bill 9913 sa pamamagitan ng voice voting.

Sa ilalim ng panukala, papatawan ng 1% buwis ang kita ng mga pribadong eskuwelahan mula Hulyo 1, 2020 hanggang Hunyo 30, 2023.

Matapos ito, babalik sa 10% ang buwis na ipapataw sa taxable income ng mga pribadong paaralan.

Ang kopya ng panukala ay ipapadala sa MalacaƱang para sa pirma ng Pangulo.

The post Buwis sa mga pribadong paaralan tinapos na ng Kongreso first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/buwis-sa-mga-pribadong-paaralan-tinapos-na-ng-kongreso/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=buwis-sa-mga-pribadong-paaralan-tinapos-na-ng-kongreso)