Nanghinayang si Carlo Aquino dahil kasama sana siya sa cast ng patok ngayong Korean series na “Squid Game”.

Sa Instagram Stories, muling ipinost ni Carlo ang sulat sa kanya ng direktor ng “Squid Game” na si Hwang Dong-Hyuk noong 2020.

Sinabi nito sa kanya na “looking forward to working with you” na para sana sa role niya sa #SquidGame.

Ayon naman sa kapatid ni Trina Candaza na si Beatrice, binanggit sa kanya ng una na ilang buwan sanang nasa Korea sila pero dahil sa travel restrictions naudlot ang role ni Carlo sa Netflix series.

“@jose_liwanag was supposed to play a role in #SquidGame but travel restrictions happened. I remember @trinacandaza calling me and saying that they’ll stay in Korea for a few months back in 2020. I’m sure there would be more opportunities!” sey ni Beatrice sa IG Stories.

Nagpahayag naman ng suporta si Trina para sa partner na si Carlo.

“I’m still proud of you @jose_liwanag! Isipin ko na lang ikaw si Ali,” aniya.

Si Ali ay ginampanan ng Indian na si Anupam Tripathi sa “Squid Game”.

The post Carlo Aquino kasama dapat sa ‘Squid Game’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/carlo-aquino-kasama-dapat-sa-squid-game/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=carlo-aquino-kasama-dapat-sa-squid-game)