Nakatakda nang buksan sa Setyembre 23 ang kauna-unahang Jollibee sa Spain.

Sa isang press release, ipinakita ng naturang fast food chain ang magiging hitsura ng Jollibee store na bubuksan sa Puerta del Sol square sa Calle Arenal na siyang sinasabing isa sa pinakamataong kalsada sa Madrid.

Matatandaang nito lamang Agosto nang ibunyag ng kumpanya na magbubukas sila ng kanilang kainan sa Madrid na siyang capital at most populated na lugar ng EspaƱa.

Ayon sa ulat ng GMA News, mayroong dining capacity para sa 180 customer ang una nilang franchise doon. (VA)

The post Chickenjoy matitikman na ng mga Kastila sa Setyembre 23 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/chickenjoy-matitikman-na-ng-mga-kastila-sa-setyembre-23/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=chickenjoy-matitikman-na-ng-mga-kastila-sa-setyembre-23)