Binuking ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ngayong Huwebes ang China sa pagkontra umano nito sa planong pag-review sa multi defense treaty (MDT) sa pagitan ng Pilipinas at USA.

Ang naturang treaty, na 70-anyos na, ay nag-oobliga sa Amerika na protektahan ang Pilipinas sa mga pag-atake at pambubully ng ibang bansa.

“While the US welcomes the idea of revisiting the MDT, an outside party does not. When I first broached the idea of revisiting the MDT, the former Chinese ambassador came to me and said, ‘Please do not touch the MDT. Leave it as it is,’” pahayag ni Lorenzana sa virtual forum alinsabay sa ika-70 anibersaryo ng naturang treaty.

Hindi naman pinangalanan ng kalihim kung sinong opisyal mula sa China ang kumontra dito.

“One thing is clear: The Chinese are not in a hurry for any resolution that is not in its favor,” dugtong pa ni Lorenzana. “China knew that any aggression will trigger the MDT.”

Samantala, pabor naman ang kalihim sa komprehensibong pag-review sa MDT, lalo’t mainit pa rin ang sigalot sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.

The post China umepal sa pag-review ng MDT – Lorenzana first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/china-umepal-sa-pag-review-ng-mdt-lorenzana/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=china-umepal-sa-pag-review-ng-mdt-lorenzana)