Pumanaw na si Colette dela Cruz na siyang pinaghanguan ng pangalan ng sikat na “Colette’s Buko Pie” na madalas dumugin ng mga biyahero sa Tagaytay at Laguna.

Sa isang tweet, ibinahagi ni Tonyo Cruz, iskulmeyt ng nasawing entrepreneur sa UP Los Baños, na pumanaw si Colette dahil sa COVID-19.


Ani Cruz, naisugod pa sa intensive care unit ang 46 anyos at na-intubate pa noong nakaraang linggo.


Dahil sa biglaang pagpanaw, naulila aniya ni Colette ang tatlo niyang anak at ang kanyang erpat na si Plaridel dela Cruz na isang konsehal sa San Pablo City, Laguna.

The post “Colette” na may-ari ng famous buko pie shop tigok sa COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/colette-na-may-ari-ng-famous-buko-pie-shop-tigok-sa-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=colette-na-may-ari-ng-famous-buko-pie-shop-tigok-sa-covid)