Muling sasabak sa senatorial race sa 2022 si dating Bayan Muna party-list representative Neri Colmenares.

“The officers and leaders of Makabayan have decided that I should run, and I will run,” pahayag ni Colmenares sa panayam ng ANC ngayong Huwebes.

“I will run for the Senate seat in 2022 if only to deliver the sharpest message to the candidate of President [Rodrigo] Duterte,” dugtong pa niya.

Bilang chairman ng Bayan Muna, si Colmenares ay isang kritiko ng Duterte administration at nakiisa sa laban ng mga naulilang pamilya ng mga nasawi sa war on drugs.

Ang 61-anyos na abogado ay naging kinatawan ng Bayan Muna sa Kamara mula 2009 hanggang 2016.

Nabigo siyang makapasok sa Magic 12 sa senatorial race noong 2019. (MJD)

The post Colmenares asam Senate seat sa 2022 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/colmenares-asam-senate-seat-sa-2022/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=colmenares-asam-senate-seat-sa-2022)