Magsasagawa ang Commission on Elections (Comelec) ng isa pang internet voting test run sa Setyembre 18 hanggang 20.

Ito na ang ikalawang test run ng Comelec kasama ang supplier na Smartmatic.

Ang mga makikiisa sa internet voting ay mula sa 70 bansa na posible sa tulong ng Department of Foreign Affairs. Sila rin ay ang mga sumali sa unang test run.

Isa ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa mga sumusuporta sa posibilidad na gawing regular ang paggamit ng internet sa pagboto tuwing halalan.

Sa kabilang dako, una ng sinabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na imposible pang magamit ang internet voting sa 2022 elections.

The post Comelec hihirit isa pang internet voting test run first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/comelec-hihirit-isa-pang-internet-voting-test-run/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=comelec-hihirit-isa-pang-internet-voting-test-run)