Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Biyernes na pansamantala muna nilang ititigil ang paglalabas ng voter’s certification mula Setyembre 27 hanggang 30.

“Isa sa mga ginawa natin yung pagtigil sa pagi-issue ng voter’s certification, yung voter’s certification kasi dati nagi-issue pa tayo sa Comelec offices niyan kasabay ng registration,” pahayag ni Comelec spokesperson James Jimenez sa Unang Balita.

“Ngayon wala nang ibang activities sa Comelec offices kundi voter ‘s registration na lamang,” dagdag pa niya.

Nakatakdang magtapos ang voter’s registration period sa Setyembre 30.

Ani Jimenez, lubos kasing makakaapekto ang pagpapalawig ng voter’s registration period sa nailatag ng timeline ng Comelec para sa eleksyon sa susunod na taon.

Kaugnay ang pahayag sa sunod-sunod na panawagan ng publiko na i-extend pa ang naturang registration. (VA)

The post Comelec: Pag-isyu ng voter’s certification suspendido muna first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/comelec-pag-isyu-ng-voters-certification-suspendido-muna/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=comelec-pag-isyu-ng-voters-certification-suspendido-muna)