Nakiisa ang Commission on Elections (Comelec) sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdaraos ng mapayapang eleksyon sa 2022.
Pinaalalahanan ng Comelec ang mga kandidato na tatakbo sa eleksyon na huwag gumamit ng karahasan para manalo sa halalan.
Tiniyak nito sa publiko na nakikipagtulungan ito sa mga awtoridad para masigurong walang maganap na karahasan sa darating na eleksyon.
“The Comelec shares the President’s sentiment and would like to reassure the public that it works very closely with both the Armed Forces of the Philippines and the Philippine National Police to ensure that the elections are free of violence,” pahayag nito.
Matatandaang nagbabala ang Pangulo na kapag hindi aniya susunod ang ibang politiko ay mapipilitan itong gamitin ang puwersa ng militar para masiguro ang kaligtasan ng mamamayan at mapayapang eleksiyon.
The post Comelec tinukuran si Duterte sa payapang eleksyon first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/comelec-tinukuran-si-duterte-sa-payapang-eleksyon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=comelec-tinukuran-si-duterte-sa-payapang-eleksyon)
0 Mga Komento