Umabot na sa dalawang milyong Pilipino ang tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Talk to the People sa kabila ng patuloy na pagsisikap ng gobyerno para matugunan ang COVID pandemic na nagsimula noong nakalipas na taon.

Bagamat umabot na sa dalawang milyon ang tinamaan ng COVID-19, ipinagpasalamat ng Pangulo na 1.8 million ang naka-recover at gumaling mula sa pag-atake ng mabagsik na virus.

“The Philippines has breached the 12-million mark in COVID cases –kaya medyo ganin karami po ang tinamaan ng COVID. However, ang kunsuwelo natin is that 1.8 millij of these have recovered,” anang Pangulo.

Sa kabila ng nabanggit na talaan,sinabi ng Presidente na maganda pa rin ang ginagawa ng sektor pangkalusugan dahil mas marami ang gumaling at nailigtas sa COVID-19.

Pinapurihan ng Pangulo si Department of Health Secretary Francisco Duque III dahil sa ginagawang pagsisikap na matugunan ang problema at maging minimal ang pinsala ng COVID-19 sa buhay at kalusugan ng mga Pilipino.

“That is a very good reflection of what our health people are doing, and I would like also to commend Secretary Duque for that,” dagdag ng Pangulo.

The post COVID case sa bansa umabot na ng 2 milyon – Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-case-sa-bansa-umabot-na-ng-2-milyon-duterte/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=covid-case-sa-bansa-umabot-na-ng-2-milyon-duterte)