Inihayag ni Acting Mayor Michael Rama na bumaba na ang kaso ng COVID-19 sa Cebu City.

Aniya, mula sa daan-daang kaso ay sumadsad na lang sa 96 ang COVID cases sa kanilang lungsod.

Anang opisyal, nangangahulugan ito ng downward trend ng virus sa Cebu.

Ayon sa sa ulat ng ABS-CBN News, sumipa na sa 600,000 katao nag nabakunahan nila kontra COVID mula sa target nilang 700,000.

Ngunit ani Rama, minamata nilang taasan pa ang kanilang target population. (VA)

The post COVID cases sa Cebu bumaba na – Cebu mayor first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-cases-sa-cebu-bumaba-na-cebu-mayor/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=covid-cases-sa-cebu-bumaba-na-cebu-mayor)