Ibinunyag ni Janella Salvador na hindi na sila nag-uusap ng dati niyang bestie na si Julia Barretto.

“Honestly, hindi na kami nag-uusap ngayon,” sambit niya nang tanungin nina Joj at Jai Agpangan sa isang vlog tungkol sa estado ng kanilang friendship ni Julia.

“There was an issue before, na hindi ko na sasabihin kung ano — alam niyo na ‘yun,” pagpapatuloy ni Janella.

Sambit niya, nagparamdam naman umano si Julia sa kanya nang malaman nitong nagdadalang-tao siya noon kay Baby Jude.

“Nag-reach out siya noong nalaman niya na buntis ako. Sinendan niya ako ng balloons, tapos nag-‘thank you’ ako,” aniya.

“Pero hindi na nag-progress ‘yung friendship namin from there,” dagdag pa niya.

Matatandaang Enero 2020 nang i-unfollow umano ni Julia si Janella sa lahat ng social media accounts nito.

Ayon sa tsismis, kasabay nito ang pag-unfollow rin ni Julia sa kanyang ex boyfriend na si Joshua Gracia.

Taong 2019 nang magtambal si Janella at Joshua para sa palabas na “The Killer Bride.”

Kaugnay nito, sinabi ni Janella na bukas naman siyang makipagkaibigan muli sa dati niyang BFF.

“Pero open naman ako in the future, if ever we cross paths again. Why not? But right now, hindi kami pa nag-uusap,” wika ni Janella. (VA)
Attachments area
Preview YouTube video DRINK OR SPILL WITH JANELLA + BIG REVELATIONS!

The post Dahil kay Joshua? Janella, Julia walang kibuan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dahil-kay-joshua-janella-julia-walang-kibuan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dahil-kay-joshua-janella-julia-walang-kibuan)