Labing-limang indibidwal ang napaulat na nasawi habang 10 naman ang kasalukuyang pinaghahanap dulot ng pananalasa ni bagyong Jolina sa bansa.

Bukod dito, naitala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) 20 kataong sugatan dahil sa bagyo.

Ayon sa ulat ng GMA News, 140,444 ang kabuuang bilang ng indibidwal na naapektuhan ng bagyo sa 891 mga barangay sa CALABARZON, MIMAROPA, Region 3, 5,6,8, 12 at Metro Manila.

Kaugnay nito, tinatayang nasa P190,911,048.34 ang halaga ng damage na naidulot ni ‘Jolina’ sa agrikultura ng MIMAROPA, Region 3, 5,6, at 8 samantalang P30,675,253 naman ang damage na dinala ng bagyo sa mga imprastraktura sa MIMAROPA, Regions 5 at 6.

Sa kabuuan, 11,062 katao ang inilakas mula CALABARZON, MIMAROPA, at Region 8.

The post Dahil sa bagsik ni ‘Jolina’: 15 tigok, 10 missing first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dahil-sa-bagsik-ni-jolina-15-tigok-10-missing/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dahil-sa-bagsik-ni-jolina-15-tigok-10-missing)