Pansamantalang ipinagbawal ang mga pagtitipon maging ang mga pagsamba sa Jose Abad Santos, Davao Occidental bunsod ng paglobo ng kaso ng COVID-19 dito.

“This is not only applied on Sundays. We will just do our prayer and worship in our respective homes. All churches and mosques must be closed,” saad ni Mayor Jason John Joyce sa isang pahayag.

Aniya, magkakaroon din ng lockdwon ang naturang bayan tuwing Linggo.

“No one is allowed to go out and come in(to) the municipality every Sunday. It is the time where our front-liners in Barangays Mangile and Kitayo would rest. It is also our support to our neighboring barangays in Sta. Maria and Malita which also imposed a no Sunday movement policy,” sambit niya.

“Those who are coming into JAS without reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) result(s) will undergo a 14-day quarantine,” dagdag pa niya.

Kaugnay nito, sinabi ng alkalde na dapat magpakita ng negatibong RT-PCR test result ang mga nais pumasok, maging ang mga taga-Davao Region, sa kanilang probinsya.

Kasalukuyang may 8 aktibong kaso ng COVID ang naturang bayan.

The post Dahil sa COVID spike: Pagsisimba ekis muna sa 1 bayan sa Davao Occ. first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dahil-sa-covid-spike-pagsisimba-ekis-muna-sa-1-bayan-sa-davao-occ/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dahil-sa-covid-spike-pagsisimba-ekis-muna-sa-1-bayan-sa-davao-occ)