Tuluyan nang nilisan ni Kapuso actor Dennis Trillo ang Pilipinas.

Ito ay matapos niyang lumipad patungong Venice, Italy para dumalo sa ika-78 Venice International Film Festival kung saan kasama ang pelikulang pinagbibidahan niya na “On the Job: The Missing 8.”

Ayon sa ulat ng GMA News, ang 2021 film ni Direk Erik Matti ang siyang kaisa-isang pelikulang nagmula sa Southeast Asian Region na siyang pasok upang makipagkumpitensya para sa Golden Lion prize.

Batay sa report, ang naturang parangal ang pinakamataas na premyo sa naturang film festival.

The post Dennis Trillo: Goodbye ‘Pinas, hello Italy! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dennis-trillo-goodbye-pinas-hello-italy/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dennis-trillo-goodbye-pinas-hello-italy)