Mahigit isang daang libo na ang naipamigay na COVID-19 vaccination certificates simula nang ilunsad ang VaxCertPH nitong buwan.

Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT), nasa 138,000 vaccination certificates na ang naipamigay nila mula sa 225,000 natanggap nilang mga request.

“Nationwide statistics ito dahil kahit nag soft launch na tayo sa NCR at Baguio, pinrioritize natin mga OFWs at international travelers,” wika ni DICT Undersecretary Emmanuel Caintic sa isang briefing ntong Sabado.

Aniya, maaaring maging online na nationwide ang naturang portal kapag nahanda na ng mga local government units ang kanilang mga booth.

Nilinaw naman ni Caintic na prayoridad nilang mabigyan ng certificare ang mga OFW at international travellers.

Nito lamag Sept. 6 nang ilunsad ang naturang portal sa NCR at Baguio. (VA)

The post DICT: 138K vaccination certificate naipamudmod mula ilunsad ang VaxCertPH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dict-138k-vaccination-certificate-naipamudmod-mula-ilunsad-ang-vaxcertph/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dict-138k-vaccination-certificate-naipamudmod-mula-ilunsad-ang-vaxcertph)