Nasa 171 lugar ngayon sa NCR ang isinailalim sa granular lockdown, ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG).

“Sa tala ng PNP (Philippine National Police), 171 small areas sa Metro Manila ang nasa granular lockdown,” pahayag ni DILG Secretary Eduardo Año sa panayam ng dzBB ngayong Linggo.

Ang granular lockdown ay community quarantine kung saan sakop lamang ang isang tahanan, compound, kalye o gusali kung saan mataas ang kaso ng COVID-19.

Sa hiwalay na panayam, sinabi naman ni PNP spokesperson Police Brig. Gen. Ronaldo Olay na 93 barangay na may granular lockdown ang kanilang minomonitor, kung saan itinalaga ang 244 pulis at 304 force multipliers.

Dagdag pa ni Olay, ang lokal na pamahalaan ang siyang nagsasailalim sa isang lugar sa granular lockdown at ang papel ng kapulisan ay siguraduhin ang seguridad at pagsunod ng mga tao sa health protocols.

The post DILG: Granular lockdown tinaas sa 171 lugar sa NCR first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dilg-granular-lockdown-tinaas-sa-171-lugar-sa-ncr/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dilg-granular-lockdown-tinaas-sa-171-lugar-sa-ncr)