Bilang isa sa mga ginagalang na personalidad sa social media, hindi karaniwang binabato ng batikos si Doc Willie Ong.
Ngunit sa desisyon niyang maging vice presidential candidate sa 2022, aminado siya na kailangan niyang maging handa sa batuhan ng putik na kasama na sa mundo ng politika.
“Tiis, tiis, tiis,” wika ni Ong sa pag-anunsyo nila ni Manila Mayor Isko Moreno ng kandidatura ngayong Miyerkoles, nang tanungin kung ano ang gagawin sa gitna ng batuhan ng batikos sa politika.
“Kasi minsan ang mga candidates pag nababatikos sila nagagalit… Hindi tayo lalaban… basta focus on the goal,” dugtong pa ng doktor.
“No comments, no complaints, no nothing, basta tulong lang tayo,” pahayag ni Ong kung ano ang gagawin sakaling di magwagi sa halalan.
Bagamat kagulat-gulat ang paganunsyo kay Ong bilang VP candidate, sigurado naman si Moreno na hindi siya nagkamali sa pagpili ng running mate.
“Mas minabuti kong piliin ang isang doktor na ka-partner na tutugon… ‘yung other important matters na kailangan tugunan sa pangkalusugan, ‘yon ang kay Doc Willie,” pahayag ng alkalde. (MJD)
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doc-willie-tiis-lang-pag-binatikos-sa-politika/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=doc-willie-tiis-lang-pag-binatikos-sa-politika)
0 Mga Komento