Mahigit 18 milyong indibidwal na ang nakakumpleto ng bakuna kontra COVID-19 ayon sa Department of Health.

Ani Health Undersecretary Myrna Cabotaje, simula Marso 1 ay 41 milyon doses na ng iba’t ibang brand ng COVID vaccine ang naiturok nila sa mga eligible person sa bansa.

Kaugnay nito, sinabi rin ng Health official na nakatanggap na ng mahigit 59 milyon doses ng COVID vaccine ang bansa mula sa iba’t ibang international manufacturers.

“Sa 40.9 million, 22.6 million sa first dose at 18.2 million sa complete dose”,” ani Cabotage sa isang pahayag nitong Linggo. (VA)

The post DOH: 18.2M Pinoy resbakunado na vs COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-18-2m-pinoy-resbakunado-na-vs-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=doh-18-2m-pinoy-resbakunado-na-vs-covid)