Tiniyak ng Department of Health (DOH) ang mga healthcare workers na itinabi nila ang P888.12 milyon na ibinigay ng Department of Budget and Management (DBM) para sa kanilang special risk allowances (SRA).

Ayon kay Health undersecretary Maria Rosario Vergeire, inaasahang darating na ang Special Allotment Release Order (SARO) mula DBM bukas, Setymebre 6.

“This will cover 97,560 health care workers for the SRA,” sambit niya sa isang panayam.

Una nang naglaan ang DBM ng P311.79 milyon para sa SRA ng 20,000 healthcare workers.

Aniya, kasalukuyan nang nagsusumite ang mga regional office ng listahan ng mga medikal na manggagawa na pasok para sa naturang allowance.

The post DOH: 97K healthcare workers maaambunan sa P888-M bigay ng DBM first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-97k-healthcare-workers-maaambunan-sa-p888-m-bigay-ng-dbm/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=doh-97k-healthcare-workers-maaambunan-sa-p888-m-bigay-ng-dbm)