Kasalukuyang nasa “high risk” na ang occupancy rate ng mga intensive care unit bed at COVID ward bed sa bansa ayon sa Department of Health (DOH).

Batay sa inilabas na datos ng ahensya nitong Sabado, 76% na kasi sa 4,200 ICU beds ng bansa ay okyupado na.

Dagdag pa rito, 77% na rin ng ICU beds sa Metro Manila ay kasalukuyang ginagamit na.

Ayon sa ulat ng GMA News, kinukonsiderang nasa “high risk” na occupancy rate ng isang lugar kung mahigit 70% na ito at hindi lalampas ng 85%.

Bukod dito, nakasaad din sa bulletin ng DOH na 56% sa 3,400 mechanical ventilators ng bansa ay ginagamit din habang 61% naman sa 1,200 mechanical ventilators ng NCR ay okyupado na.

Nito lamang Sabado nang maitala ang record-breaking na 26,303 COVID cases sa bansa.

The post DOH: Occupancy rate ng ICU sa bansa namaga na sa 76% first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-occupancy-rate-ng-icu-sa-bansa-namaga-na-sa-76/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=doh-occupancy-rate-ng-icu-sa-bansa-namaga-na-sa-76)