Matapos ang pagbunyag ng isang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corp. na pinalitan nila ang expiry date ng mga binentang face shield sa Department of Health (DOH), lumitaw ang katanungan kung may expiration ba ang face shield na gawa naman sa plastic.

Paliwanag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, may shelf life ang mga face shield.

“Just like any medical commodity, mayroon din pong tinatawag na shelf life. Ito pong face shields na binibili namin is not for the community,” ani Vergeire.

Ipinunto ng DOH spokesperson ang foam na parte ng face shield na ginagamit ng mga health workers na pumapangit ang kalidad ‘pag tumagal.

“Ito pong mga face shield na ito na maaaring magkaroon ng deterioration over time… mayroon po siyang foam na nakadikit diyan para hindi masakit sa noo ng ating healthcare workers. Ito pong foam na ito over time, nag-pupulverize po ‘yan, nadudurog. ‘Yung iba nagdi-discolor po ‘yan,” dugtong pa ni Vergeire.

The post DOH pinaliwanag ‘expiration’ ng face shield first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-pinaliwanag-expiration-ng-face-shield/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=doh-pinaliwanag-expiration-ng-face-shield)