Hindi na umano kasama sa 2022 budget ng Manila Bay Rehabilitation Project ang kontrobersiyal na Dolomite beach, ayon sa Department of Environment and Natural Resources.

Ang ahensya ay humihiling ng P1.6 bilyon para sa rehabilitasyon ng Manila Bay sa 2022, ngunit ‘di na raw dito kasama ang pera para sa Dolomite beach.

“The P1.6 billion will comprise not for the dolomite, because budget for dolomite was already given to us during 2020 and 2019. But the P1.6 billion we are asking for Congress, will comprise, one, the rehabilitation of the river, the different river systems connected to the Manila Bay,” wika ni DENR Undersecretary Jonas Leonas sa panayam ng ANC.

“Second, this will be used for the cleanup of creeks and esteros,” dugtong pa niya.

Ayon pa kay Leones, nakapaglinis na ang ahensya ng 36 creek at estero ngunit marami pa rin umanong dapat linisin na konektado sa Manila Bay.

“There’s still a lot of creeks, totaling 200+ creeks and rivers that we need to undertake the cleanup,” aniya.

Bukod dito, ang naturang halaga ay gagamitin din para magtayo ng water treatment plants at resolbahin ang problema ng water hyacinth.

The post Dolomite itsapwera sa 2022 budget ng Manila Bay rehab first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dolomite-itsapwera-sa-2022-budget-ng-manila-bay-rehab/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dolomite-itsapwera-sa-2022-budget-ng-manila-bay-rehab)