Hirit ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez sa pamahalaan na payagan ang pag-dine in at pagpasok sa mga personal care service ng mga bakunadong indibidwal na pasok sa age group na hindi na alanganin sa COVID.

Ani Lopez, ang mga edad 65 pataas kahit bakunado na ay maaari pa ring tamaan ng malalang COVID symptom, ngunit ang mga mas bata ay makakaya na itong labanan.

Kaya hiling ng kalihim, payagan na sana ang mga bakunado na tumangkilik sa mga naturang sektor sa gitna ng lockdown para mabuhay ang ekonomiya.

“We proposed twice sa IATF to at least i-allow na ‘yung mga vaccinated… doon sa mga areas na bawal sa ngayon,” pahayag ni Lopez. “[The] middle ground for it to be safe is we allow only the vaccinated.”

“Kasi ‘pag vaccinated na above 65 delikado pa rin ‘pag tamaan ng COVID-19, pwedeng maging severe and critical, pero ‘yung mas bata mas malakas,” wika pa ng kalihim.

Gayunpaman, nasa mga eksperto na umano ang pagpapasya tungkol sa age group ng mga bakunadong indibidwal na papayagan sa dine-in at personal care service.

Bukod kay Lopez, isa rin si Presidential adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion sa mga tumutulak na magkaroon ng espesyal na serbisyo para sa mga bakunado, oo ang tinatawag niyang ‘bakuna bubbles.’

The post DTI hinirit luwagan protocol sa bakunado first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dti-hinirit-luwagan-protocol-sa-bakunado/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dti-hinirit-luwagan-protocol-sa-bakunado)