Mukhang malapit nang mag-back to school ang ilang estudyante matapos aprubhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkasa ng limitadong face-to-face classes.

Kaugnay ito sa hirit ng Commission on Higher Education (CHED) na payagan ang ilang non-medical courses na magklase na sa mga lugar na nasa lalim ng modified general community quarantine (MGCQ).

Narito ang mga programang magkakasa ng limited face-to-face classes:

– Hospitality/ Hotel and Restaurant Management
-Tourism/ Travel Management
-Marine Engineering
-Marine Transportation
-Engineering and Technology programs

Nagpahayag naman ng pasasalamat si CHED chairperson Prospero De Vera III dahil dito.

“The Commission thanks President Rodrigo Roa Duterte for the approval of limited face-to-face classes for the said programs in order to contribute to the efforts to boost the economic recovery of the country, as this will directly affect human resource development,” wika niya.

Sa ngayon, tanging mga allied health sciences and medicine courses lang ang pinahihintulutang magsawga ng face to face calsses. (VA)

The post Duterte aprub sa limited face-to-face classes ng 5 kurso first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-aprub-sa-limited-face-to-face-classes-ng-5-kurso/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duterte-aprub-sa-limited-face-to-face-classes-ng-5-kurso)