Sumulat si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kamara de Representantes upang sertipikahan ang pangangailangan na agad na maipasa ang panukalang 2022 national budget na nagkakahalaga ng P5.024 trilyon.

Sa kanyang sulat kay Speaker Lord Allan Jay Velasco, binigyan-diin ni Duterte ang kahalagahan na mapondohan ang mga proyekto, programa at aktibidad ng gobyerno sa susunod na taon.

Sinimulan ng Kamara ang deliberasyon ng General Appropriations Bill (House Bill 10153) noong Setyembre 21.

Dahil sa sertipikasyon, maaaring aprubahan ng Kamara ang GAB sa ikalawa at ikatlong pagbasa sa loob lamang ng isang araw. Ang mga ordinaryong panukala ay maaari lamang aprubahan sa ikatlong pagbasa matapos ang dalawang araw mula ng aprubahan ito sa ikalawang pagbasa.

Target ng Kamara na aprubahan ang GAB ngayong araw, Setyembre 30, ang huling araw ng sesyon bago ang break ng sesyon.

The post Duterte atat na sa 2022 national budget first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-atat-na-sa-2022-national-budget/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duterte-atat-na-sa-2022-national-budget)