Inakusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Richard Gordon ng panggigipit sa gobyerno sa kasagsagan ng COVID pandemic para makakubra sa ginawang swab testing sa mga umuwing Overseas Filipino Workers.

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na nagbanta noon si Gordon na ititigil ang swab testing kapag hindi nagbayad ang gobyerno sa pagkakautang ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Red Cross.

“Napansin ba ninyo noon na galit siya at sabi niya kung hindi magbayad  ang gobyerno eh he will — he threatened that he will stop the testing? Red Cross is supposed to be a humanitarian organization, but when rhe government was struggling to source funds, you threatened to stop testing,” anang Pangulo.

Hindi aniya makatarungan ang ginawa ng senador dahil nakikitang hirap na hirap ang bansa subalit nagawa pang magbanta para makakubra ng bilyon-bilyong piso sa gobyerno.

“Ulitin ko yung ginawa mo, you threatened government that you will stop, you stop testing people so they will die just because you are not paid,” dagdag ng Pangulo.

Sinabi ng Presidente na may plano din ang Red Cross na magbenta ng COVID vaccines pero mas mahal ang singil kumpara sa orihinal na presyo.

“Now you are having plans of  selling vaccines and said charging P3,500 per shot is just fair. Moderna vaccines cost US$ 51 or roughly P2,500 .What is the extra P1,000 for and for whom? Anong gamitin mo nito in the light of the pandemic situation in the Philippines?,” wika ng Pangulo.

The post Duterte: Gordon ginipit ang gobyerno sa panahon ng pandemya! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-gordon-ginipit-ang-gobyerno-sa-panahon-ng-pandemya/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duterte-gordon-ginipit-ang-gobyerno-sa-panahon-ng-pandemya)