Sisiguraduhin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibabalik sa dating pagkatao si Senador Gordon.
Ito ang inihayag ng Pangulo sa kanyang Talk to the People matapos sabihing lumaki ang ulo ng senador dahil sa pilit na paghahanap ng butas sa kanyang administrasyon.

“Ikaw sisiguraduhin kita that I will reduce younto ypur original size. Eh masyado ka ng lumaki, lumaki na ang ulo mo. So its about time na you know, isauli kita sa dati mong pagkatao,” anang Pangulo.

Naniniwala ang Pangulo na isang araw ay makakahanap ng katapat ang senador sa kanyang mga ginagawang pang-iinsulot at papalag sa ginagawa nito.

Sinabi ng Presidente na sinabihan na niya ang mga tao nito na huwag pumayag sigaw-sigawan ng senador at kapag ipa-detain sila sa senado ay siya mismo ang kukuha sa mga ito.

” Huwag kayong pumayag na sigaw-sigawan kayo ni Dick Gordon. Just stand up and go out. If the sergeant -at -arms i-detain ka, then once I hear about it, I will go to the Senate and get you, extract you, iyan talaga ang mangyayari,” dagdag ng Pangulo.

Mistulang nagbanta ang Presidente na kapag humantong sa sukdulan ang ginagawa ni Gordon sa imbestigasyon ng kanyang komite ay magkakaroroon ng gulo at ang magkakaroon ng problema ang bansa.

” Then Senator Gordon, we will be having trouble in government. Then Mr.Gordon, we will be having a crisis. Then Mr. Gordon, at the end of the day, it is the country who will suffer,” wika ng Pangulo.(Aileen Taliping)#

The post Duterte kay Gordon: Lumaki ang ulo, ibabalik sa dati! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-kay-gordon-lumaki-ang-ulo-ibabalik-sa-dati/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duterte-kay-gordon-lumaki-ang-ulo-ibabalik-sa-dati)