Umapela si Bayan Muna chairperson Neri Colmenares kina Vice President Leni Robredo, Senator Manny Pacquiao at Manila Mayor Isko Moreno na magkaisa upang magkaroon ng iisang boses ang oposisyon sa 2022 elections.

Ayon kay Colmenares bagamat mukhang nagkakawatak-watak ang mga kakampi ni Pangulong Rodrigo Duterte madali lamang silang mabuo sa ilalim ng Marcos-Duterte o Duterte-Marcos tandem.

“A united opposition will be key to ending Duterte’s reign of tyranny, incompetence and corruption,” sabi ni Colmenares sa isang pahayag.

Sinabi ni Colmenares na “Kailangan po nating magkaisa kung nais nating talunin ang paghahari ni Duterte at ang posibleng pagbabalik ng mga Marcos sa Malacañang.”

Maaari umanong magsama-sama ang oposisyon upang matugunan ang mga problemang dulot ng pandemya, mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng extra-judicial killings at human rights violations “pero magagawa lang natin ito pag nagtagumpay tayo sa 2022.”

Sinabi ni Colmenares na maaari pa ring mabuo ang oposisyon kahit na nakapaghain na ng certificate of candidacy sa Oktobre at hindi umano hihinto ang Bayan Muna sa panawagang ito. (Billy Begas)

The post Duterte-Marcos, Marcos-Duterte mahihirapang talunin ng watak-watak na oposisyon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-marcos-marcos-duterte-mahihirapang-talunin-ng-watak-watak-na-oposisyon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duterte-marcos-marcos-duterte-mahihirapang-talunin-ng-watak-watak-na-oposisyon)