Hindi apektado si Pangulong Rodrigo Duterte sa patuloy na paghahanap ng butas ni Senador Dick Gordon sa gobyerno sa pamamagitan ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee.

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na hindi siya nababahala sa ginagawa ng Senado taliwas sa sinabi ng senador na nayayanig na umano ito.

“Talagang itong si Gordon obvious na wala nang ibang mahanap na ibatong issue against officials of the executive. Eh ako. I ako I am not bothered at all. Sinabi ni Gordon nayayanig ako. Gordon, kung alam mo lang ang buhay ko. Yours must be a gilded life kasi anak ng mayaman,” anang Pangulo.

Malinaw na nililito ng mga senador ang mga witnesses para makuha ang gustong sagot sa mga ito.

Pati aniya ang expiration ng plastic ay binusisi na ng senador para lamang mapahaba ang imbestigasyong ginagawa ni Gordon, partikular ang biniling face shield.

“He cannot differentiate the quality if you allegedly tampered with the certificate of production or the certificate of expiration. Kung mayroong production there must be also an expiration date, kagaya ng medisina. But it ain’t that way sa plastic, sa totoo lang,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping)

The post Duterte wapakels sa imbestigasyon ni Dick first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-wapakels-sa-imbestigasyon-ni-dick/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duterte-wapakels-sa-imbestigasyon-ni-dick)