Japanese B. League rin ang destinasyon ng Gilas stand out at court hearthrob na si Dwight Ramos.

Si Ramos ay pumirma ng kontrata sa koponang Toyama Grouses ng Division I ng B. League.

Dahil dito, ‘di na makakalaro ang 23-anyos na manlalaro sa UAAP para sa Ateneo.

“I am very excited to play in the city of Toyama, it is a dream to play in such a beautiful city and country in Japan,” wika ni Ramos. “I hope to win a lot of games and bring pride to the city of Toyama together with my new teammates.”

Si Ramos ay isa sa mga nanguna sa kampanya ng Gilas sa 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers kung saan nag-average siya ng 13.8 points, 6.2 rebounds, 2.2 assists at 2.0 steals.

Siya na ang ikawalong Pinoy hooper ni lumipad sa B. League.

The post Dwight Ramos lumipad pa-B. League first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dwight-ramos-lumipad-pa-b-league/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dwight-ramos-lumipad-pa-b-league)