Kinapos sa medalya si EJ Obiena sa Wanda Diamond League finals na ginanap sa Zurich, Switzerland ngayong Biyernes (oras sa Pilipinas).

Nagtapos lamang ng pang-apat si Obiena matapos mabigong malundag ang 5.93 metro.

Bago ito, nagawa niyang lampasan ang 5.58 metro sa isang subok, 5.73 metro sa tatlong subok at 5.83 metro sa dalawang talon.

Ang Olympic gold medalist at world number one ng Sweden na si Armand Duplantis ang nagwagi ng ginto, habang pumangalawa si Sam Kendricks ng US at bronze medal naman ang iuuwi ni Timur Morgunov ng Russia.

Matatandaang sa Paris leg ng Diamond League ay naitalon ni Obiena ang 5.91 metro, na siyang bagong Philippine record.

The post EJ Obiena kinulang sa Diamond League first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ej-obiena-kinulang-sa-diamond-league/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ej-obiena-kinulang-sa-diamond-league)