Isinama na sa klasipikasyon ng Authorized Persons Outside Residence o APOR ang mga opisyal at kawani ng Commission on Elections (Comelec), mga kandidato at mga opisyal ng party-list.
Ito ang inanunsiyo ni Presidential Spokesman Harry Roque batay sa Resolution 140 na inilabas ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Ayon kay Roque, maikokonsidera ring APOR ang mga kandidatong magsusumite ng kanilang certificate of candidacy sa susunod na buwan o kung sinuman ang awtorisadong kinatawan ng isang political party na magsusumite ng kanilang dokumento sa Comelec.
“The IATF approved the inclusion of all Comelec officials and employees as Authorized Persons Outside of Residence,” ani Roque.
Kasama rin sa maituturing na APOR ang mga kasama ng mga kandidato na pinayagan ng Comelec batay sa resolusyon ng komisyon na inilabas noong Agosto 18, 2021.
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/empleyado-ng-comelec-kandidato-apor-na-rin/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=empleyado-ng-comelec-kandidato-apor-na-rin)
0 Mga Komento