Pumanaw na si dating Camarines Sur congressman Luis Villafuerte Sr. nitong Miyerkoles.

Kinumpirma ito ng kanyang anak na si CamSur Representative LRay Villafuerte sa isang pahayag.

Aniya, pumanaw ang 86 anyos na mambabatas alas-12:35 ng umaga sa St. Luke’s Medical Center, Bonifacio Global City.

“He was not only my mentor and idol but also to many. He continues to be our inspiration as he always motivated us to be the best at whatever we do. Even if you thought you have achieved the best, he would express that there is room for improvement,” saad ni LRay sa pahayag.

Bago pa man maluklok bilang kinatawan ng naturang probinsya, nagsilbi ng miyembro ng Batasang Pambansa si Villafuerte mula 1978 hanggang 1986.

Bukod nito, naupo rin siya bilang Minister of Trade mula 1979 hanggang 1981 sa pamahalaan ni dating pangulong Ferdinand Marcos.

The post Ex-CamSur Cong. Luis Villafuerte Sr. pumanaw na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ex-camsur-cong-luis-villafuerte-sr-pumanaw-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ex-camsur-cong-luis-villafuerte-sr-pumanaw-na)