Pumanaw na si dating social welfare secretary Corazon “Dinky” Soliman ngayong Linggo.

Kinumpirma ito ng kanyang pamilya sa isang pahayag.

“We pray for the eternal repose of her soul,” anang kanyang mister na si Hector Soliman.

“We will share details for the wake later, and ask that the family be given some time and privacy for grieving.”

Ayon sa ulat, nasawi ang 68 anyos pasado alas-7 ng umaga kanina dahil sa komplikasyon mula sa renal at heart failure.

Nito lamang Agosto nang masapol ng COVID-19 ang social worker kasama ang kanyang mister at iba pang miyembro ng pamilya ngunit nakarekober umano ito. (VA)

The post Ex DSWD sec. Dinky Soliman pumanaw na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ex-dswd-sec-dinky-soliman-pumanaw-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ex-dswd-sec-dinky-soliman-pumanaw-na)